Tips para sa Pasahero
1
3
2
Bago ang Byahe
Habang nasa Byahe
Pagkatapos ng Byahe
Pakisabi ang iyong entrance number o eksaktong pick-up location, at i-double check ang destination address tuwing magbu-book.

Kung higit sa tatlo ang pasahero, pakisabi sa comments section.

Ipagbigay-alam din sa drayber kung ikaw ay may malaking bagahe o may kasamang alagang hayop.

Nagbago ang iyong isip? Ipagbigay-alam sa drayber at kanselahin ang iyong byahe.

Tignan ang license plate, model ng sasakyan, at larawan ng drayber bago simulan ang byahe. Kanselahin ang byahe kung di tugma ang mga ito.
Huwag kalimutan mag-seat belt.

Pakisabi sa drayber kung nais mong mag-iba ng destinasyon o magdagdag ng stops. Maaari nitong ibahin ang iyong pamasahe.

Paki-ingatan ang sasakyan ng drayber: huwag manigarilyo, kumain, o uminom bukod sa tubig habang nasa sasakyan.

I-tap ang shield icon sa main screen para tumawag sa emergency services.

Gamitin din ang button na ito para ibahagi ang iyong byahe sa kaibigan o kamag-anak.
May naiwan sa sasakyan? Paki-contact ang support team sa email na support@indrive.com o sa in-app chat.

Palaging tandaan na i-rate ang iyong byahe. Importante ang iyong feedback para maunawaan namin ang iyong karanasan at mapabuti namin ang aming serbisyo.

Kung bibigyan ng one star ang drayber, hindi na nila makikita ang iyong mga ride requests sa kanilang feed.
maligayang pagbyahe
Hello! This page contains information for your mobile application
The inDrive online passenger transportation aggregator is not a taxi service and is not involved in the relationship of Users. All requests are created, sent and performed by users independently.
© SUOL INNOVATIONS LTD, 2013-2023