Bago magbyahe ang bawat drayber, kailangan nilang magsumite ng dokumento at photo verification. Kung hindi tugma ang drayber/sasakyan sa larawan sa iyong app, kanselahin ang byahe at i-contact ang support team.
Imbes na mabook sa pinakamalapit na sasakyan, ikaw ang pipili ng drayber base sa kanilang rating, sasakyan, at ride history bago tanggapin ang kanilang offer.
I-tap ang shield icon sa main screen para dali daling makatawag ng contact suport, o ng pulis, o ng ambulansya.
Ibahagi ang ride details mo sa iyong kaibigan o kamag-anak. Makikita nila ang iyong ruta, drayber at info sa sasakyan, pati ang iyong real time status sa byahe.
I-save ang number ng iyong pinagkakatiwalaang tao sa app para sa mabilisang contact kapag may emergency. Pwede mo itong i-add kahit kailan, kahit habang nasa byahe.
Kung nais mong mag-report ng violation o reklamo, paki-contact ang aming support team sa support@indrive.com o sa in-app chat.
Palaging i-rate ang iyong byahe. Kung ayaw mo nang bumyahe sa drayber na iyon, bigyan sila ng one star at piliin ang 'Huwag Ipakita' - hindi na nila makikita ang iyong mga susunod na ride requests.